Some examples are completely fictions. Real people or experience may be total coincidence
Please ignore this haha. I'm posting this for my own sake. :')
You have been warned! XD
Hmmmmmm
Kung sisigaw ba ako maririnig mo?
Sige ahh, subukan natin.
Oops! Wag mo tatakpan tenga mo, baka hindi mo marinig. :)
Sige, ito na ahh..
One,
Two,
Three....
Screaming Silence? Natatawa ako sa title. Haha. Para kasing may mali. Hihi
Sisimulan ko na.
Sa panahon ngayon, may kilalang dalawang parts ng isang komunikasyon. Ang isa ay tinatawag na, Sender. Ito lang ata ang alam kong tawag sa ganon klase. Bawal naman ata ang ''Talker' diba? Haha. Ang ang isa naman ay tinatawag na, Reciever, Recipient o Listener. Marami pa sigurong tawag dyan, pero yan ang naiisip ko sa ngayon.
Nakakatawa noh? Tatlo ang nabigay kong 'names' para sa mga Listeners. Samantala, ang 'Sender' naman ay isa lang ang naisip ko.
Ang sabi daw, 'We should be a good listeners'. Mukhang madali. Actually, madali naman talaga sya sa tao eh. Ewan ko ba kung bakit mahirap gawin yan para sa ibang tao. Siguro, BORED? O walang kwenta ang sinasabi? O kaya PAULIT-ULIT? O kaya nasasaktan.
Mahirap din pala talaga maging "A good LISTENER" lalo na sa panahon ito na maraming tao ang humahana ng atensyon. Kapag hindi mo kasi napakinggan, maari silang sumabog, mabaliw at minsan mag assume. Maraming pwedeng possibleng manyari.
Magbibigay ako ng mga 'Perks' of being a listener.
1) It consumes time. Totoo naman diba? Kailangan mong maglaan ng panahon para makinig sa isang kwento ng kaibigan mo. At syempre, depende din yan sa kwento. At syempre, depende din yan sa tao! Yung mga iba kasi, kapag nagrespond ka sa kinuwento nya na nakakatawa pala, DADAG-DAGAN PA! Pahahabain pa. Minsan, gusto mo nalang sabihin. "HOY ANO BA! Inuuto na nga lang kita kasi gusto ko na matapos kwento mo!"
2)It's hard to advice. Sana'y na kasi ang mga pilipino sa "Utang-na-loob" kaya ayun! Hindi ka maka-hindi. Dito naman, parang may pumipilit sayo na kailangan mo talaga magbigay ng advice. Ganito kasi kadalasan nanyayari sa usapan. Habang dumadada ang taong kausao mo, ikaw naman ay naka-ngiti lang sakanya. At kapag medyo nag-pause sya sa kwento nya. Dapat may kailangan kang sabihin eh. Kadalasan, ang sinasabi mo, uma-agree ka din sa kwneto nya. Kung tungkol sa lab-life nya, kinakantyawan mo pa sya. O kaya ang mga lines na "Meant to be talaga kayo" , "Kayo na!", "Nakakakilig naman yun" ang kadalasan na nasasabi. At kapag tungkol sa heart-breaking experience nya. Pahirapan talaga mag advice yan! Walang duda. Kaya nga mas naaawa pa ako sa mga taong kinukwentuhan nila kaysa doon sa naka-experience ng kwento. Ha ha.
3)Mahirap maki-pag plastic. Lalo na kung yung nagkwento ay kina-iiritahan mo. It's very hard to be a good listener. Eh kasi naman! Paulit-ulit lang ang kwento nya. Tapos sa huli masasaktan sya kasi pa-asa daw yun. Eh hindi nga kilala nun sya eh.
Hm. Mukhang nakakainis nga iyon. Ha ha. O minsan kasi wala ngang kwenta ang kinukwento. Minsan naman hindi ka interesado sa kinukwento nya. Ang sarap sabihin na "Ito piso! I-kwento mo sa pagong! Hayop ka!" Haha.
Diba? ang hirap maging 'good listener' Iilan lang naman yan eh. Bakit ka ba kasi nahihirapan maging good listener? Maraming kasagutan dyan. Pero marami din naman paraan para maging 'good listener'.
Ang concept kasi natin ng good listener, ay makikinig ka at mag bibigay ng payo. Pero ang hirap nga gawin diba? Kasi minsan,..
I'm not making my point am I?
Takte, tinamad ako bigla. Hahaha. Isa lang kasi gusto kong sabihin pero ang dami lumabas. NAPUNTA PA SA GOOD LISTENER! XD
Ganto kasi yun.
Minsan, ang hirap maging listner kasi hindi mo gusto ang kausap mo. Minsan naman tinatamad ka lang. O kaya minsan, kasi sayo mismo, walang gusto maging listner.
Parang ganito lang yun. Diba sabi nila, "Respect first to be respected". Dito naman, "Listen first and you will be heard"
Pero parang ang hirap lang. Hmm sasabhin ko na talaga ng deretyahan.
Kasi eh, nahihirapan ako. Parang sumbungan ako, parang lahat ng kwento, sa akin ibibigay, tapos ako din dapat magsolusyon minsan. EH NI MINSAN, WALANG NAGTANONG SA AKIN. " Ikaw Lois? Okay ka lang ba? May problema ka ba?"
HAYOP! OO! Ang dami kong problema :'''( Ma-pamilya, Ma-palablife, Ma-pa sarili ko. Nasasaktan lang ako sa twing tatawagin nyo ang pangalan ko, kwento nyo ang paguusapan. Pangalan ko nga tinawag nyo eh, bakit buhay mo ang paguusapan :'(
You guys transformed me into a monster. Sa mga kwento nyo, nagmumura na ako sa sarili ko. Lalo na sa banyo. Grabe talaga, kung ano nasa isip ko. Puro pagsisisi, puro galit, puro pagiging makasarili.
Then I realized, nasa akin lang din ang problema. HAHAHAHA Ang galing. Ang saya talaga mag-blog. ni-type ko lang yung sama ng loob ko, alam ko na din ang solusyon.
Ang nagiisang solusyon.. si God :')
Lately, puro galit at pagiging maka-sarili lang nasa isip ko. Lagi ko tinatanong. Lagi ako nagagalit. Lagi ako nag t-tweet. Hahaha. "Bakit ganon? Nakikinig naman ako sa mga kwento nila, pero ni-minsan hindi sila nagtanong, 'Ikaw ba Lois? ganon ka din ba?' medyo masakit" Hmm ewan ko ba kung ano ang mali. Baka meant to be a Listener lang ako. At ik-kwento ko naman lahat kay God :>
Grabe, nakakahiya. Magtitiiis si God na makinig sa kwento ko. Pero mahal parin nya ako :'(
Kung ano ano na nasa isip ko.
Meron pa.
Kaya minsan, lalo ako naiinsecure. Lalo ko pinagmamadali sarili ko na MAGPAKASAL NA. Magka-boyfriend na. Baka kasi may makinig na sa akin. Hmmm kaya nga lalo ko dini-desire na maging boyfriend si.....
Haaay. Ano bayan.
This does not make sense anymore.
Basta ganito. WAG NYO NALANG INTINDIHIN. HAHAHAHA ANG GULO KASI. PASENSYA NA TALAGA :'(
Hmm. Bakit nga ba ganon title ko. Napaisip tuloy ako... haha baliw
Kasi siguro. Kahit anong sigaw ko. Walang nakikinig.
Konti nalang, sasabog na ito. Haha
Woohoo! Sarap mag-blog. Okay na :> Na-express na :') Kay God ako lalapit. hihi
"The most happiest people have the saddest thoughts"
No comments:
Post a Comment